Thursday, March 19, 2009

Ang Jamming ng Buhay Ko...

Ang buhay parang musika... Minsan mabagal ang tiyempo na parang nakakainip na... Kung minsan naman sa bilis ay parang ang hirap ng sabayan. May pagkakataon na mapapaindayog ka sa sigla. Pero, may mga pagkakataon din na ang istilo ay malumanay, kaya mapapasandig ka na lang sa
unan at mapapasabi ng "haaayyyy".



May bahagi din na instrumental lang, "smooth sailing" kung baga... Pag kasama naman ang barkada chorus na... Kung minsan naman may makikiduet pa... Pero minsan balik ka na naman sa pagiging soloista na tatapos ng kanta dahil sa sariling niyang (nilang) musika may sumesecond-voice na pala.


Pero mawala ka man sa tono, o kahit wala pa sa harmonya sa iba... Basta't ikaw ang naglapat ng titik at sariling piyesa...tugtugin mo pa rin. Dahil ang awiting inenjoy mo ng husto,matapos man ang lahat ng jamming... ay musika pa ring maituturing...

Ito pa rin ang maiiwang awitin mo, para sa iba ay mapakinggan din..





No comments:

Post a Comment